Font Size
Pahayag 21:4-6
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 21:4-6
Ang Salita ng Diyos
4 Pupunasin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang kamatayan, ang pagtangis, ang pag-iyak o ang kabalisahan. Ang mga bagay sa nakaraan ay lumipas na.
5 Ang nakaupo sa trono ay nagsabi: Tingnan ninyo, ginawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Isulat mo ito sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at tapat.
6 At sinabi niya sa akin: Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ibibigay ko ang tubig ng buhay na walang bayad sa sinumang nauuhaw.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International