Add parallel Print Page Options

11 Taglay nito ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang ningning nito ay katulad sa isang napaka­halagang bato, katulad ng isang kristal na batong haspe. 12 Ito ay may isang dakila at mataas na moog at labindalawang tarangkahan. Sa tarangkahan ay may labindalawang mga anghel. May nakaukit na pangalan sa tarangkahan. Ito ay ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak na lalaki ni Israel. 13 Tatlong tarangkahan ang nasa gawing silangan. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing hilaga. Tatlong tarangkahan ang nasa gawing timog. Tatlong tarang­kahan ang nasa gawing kanluran.

Read full chapter