Font Size
Pahayag 21:10-12
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 21:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Dinala niya ako sa Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang isang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem. Ito ay bumababang buhat sa langit mula sa Diyos. 11 Taglay nito ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang ningning nito ay katulad sa isang napakahalagang bato, katulad ng isang kristal na batong haspe. 12 Ito ay may isang dakila at mataas na moog at labindalawang tarangkahan. Sa tarangkahan ay may labindalawang mga anghel. May nakaukit na pangalan sa tarangkahan. Ito ay ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak na lalaki ni Israel.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International