Add parallel Print Page Options

Ang Bagong Jerusalem

21 At nakita ko ang isang bagong langit at ang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na. Ang dagat ay wala na.

At akong si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem na buma­babang mula sa Diyos na buhat sa langit. Ito ay inihanda na katulad ng isang babaeng ikakasal na ginayakan para sa kaniyang magiging asawa. Narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa langit. Sinabi nito: Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya ay mananahang kasama nila. Sila ay magiging mga tao niya. Ang kanilang Diyos mismo ang sumakanila at siya ang kanilang magiging Diyos.

Read full chapter