Font Size
Pahayag 20:13-15
Magandang Balita Biblia
Pahayag 20:13-15
Magandang Balita Biblia
13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay[a] ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay.[b] Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. 15 Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.
Read full chapterFootnotes
- Pahayag 20:13 Daigdig ng mga Patay: Sa Griego ay Hades .
- Pahayag 20:14 Daigdig ng mga Patay: Sa Griego ay Hades .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.