Add parallel Print Page Options

12 At nakita ko ang mga taong patay, hindi dakila at dakila na nakatayo sa harapan ng Diyos. At binuksan ang mga aklat at ang isa pang aklat ang binuksan, ito ay ang aklat ng buhay. Hinatulan niya ang mga patay ayon sa nakasulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 13 Pinakawalan ng dagat ang mga taong patay na taglay nito. At pinakawalan ng kamatayan at ng hades ang mga taong patay na nasa kanila. At hinatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa. 14 Itinapon ng Diyos ang kamatayan at hades sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan.

Read full chapter