Add parallel Print Page Options

Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Sa sinumang magtatagumpay, ibibigay ko sa kaniya ang karapatang kumain sa bunga ng punong-kahoy ng buhay na nasa gitna ng halamanan ng Diyos.

Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Esmirna

Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Esmirna:

Ako yaong simula at wakas ang nagsasabi ng mga bagay na ito. Ako yaong namatay at muling nabuhay.

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, ang iyong mga paghihirap at iyong karukhaan. Ngunit ikaw ay mayaman. Alam ko ang mga nagsasabing sila ay mga Judio ngunit hindi naman at ang kanilang pamumusong. Sila ay isang sinagoga ni Satanas.

Read full chapter