Add parallel Print Page Options

22 Narito, inihagis ko siya sa isang higaan. Ang mga nangangalunya sa kaniya ay ihahagis ko sa isang dakilang paghihirap, kung hindi sila magsisisi sa kanilang mga gawa. 23 Papatayin ko ang kaniyang mga anak. At malalaman ng lahat ng iglesiya na ako yaong sumusuri sa kaloob-looban at sa mga puso. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang mga gawa. 24 Ngunit sinabi ko sa inyo at sa mga natitira sa Tiatira at sa sinumang wala sa ganitong katuruan at sa sinumang hindi nakakaalam sa tinatawag na malalalim na bagay ni Satanas: Wala akong ibang pasaning ibibigay sa inyo.

Read full chapter