Add parallel Print Page Options

13 Nalalaman ko ang iyong mga gawa at kung saan ka nakatira. Nakatira ka sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas. Nanghawakan kang patuloy sa aking pangalan at hindi mo tinalikdan ang aking pananampalataya kahit sa araw na pinatay nila si Antipas na aking tapat na saksi sa inyong kalagitnaan, na tinatahanan ni Satanas.

14 Subalit mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagkat mayroon sa inyo na ang pinanghawakan ay ang katuruan ni Balaam. Tinuruan ni Balaam si Barak na maglagay ng katitisuran sa harap ng mga anak ni Israel. Ang katitisuran ay ang kumain sila ng mga inihain sa mga diyos-diyosan at sila ay nakiapid. 15 Sila rin yaong nanghahawakan sa katuruan ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko.

Read full chapter