Pahayag 2:11
Magandang Balita Biblia
11 “Ang(A) lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”
Read full chapter
Pahayag 20:6
Magandang Balita Biblia
6 Pinagpala at ibinukod para sa Diyos ang nakasama sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa halip, sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.
Read full chapter
Pahayag 20:14
Magandang Balita Biblia
14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay.[a] Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan.
Read full chapterFootnotes
- Pahayag 20:14 Daigdig ng mga Patay: Sa Griego ay Hades .
Pahayag 21:8
Magandang Balita Biblia
8 Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.