Add parallel Print Page Options

Isang tinig ang lumabas mula sa trono na sinasabi:

Kayo na kaniyang mga alipin, purihin ninyo ang Pangi­noon nating Diyos. Kayong mga dakila at hindi mga dakilang tao na natatakot sa kaniya, purihin ninyo siya.

At aking narinig ang isang tunog na katulad ng tinig ng isang napakaraming bilang ng tao, katulad ng tunog ng maraming tubig at katulad ng tunog ng malalakas na kulog. Sinabi nito:

Aleluya! Ito ay sapagkat ang Panginoon na Makapang­yarihan ay naghari na.

Tayo ay labis na magsaya at magalak at tayo ay magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero. At ang kaniyang kasintahang babae ay nakahanda sa kaniyang sarili.

Read full chapter