Add parallel Print Page Options

Ang Nakasakay sa Kabayong Puti

11 Pagkaraan(A) nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang(B) nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. 13 Basang-basa(C) sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.”

Read full chapter