Add parallel Print Page Options

Sa halagang ipinangluwalhati niya sa kaniyang sarili at namuhay sa napakalaking kayamanan, sa gayunding halaga ay bigyan ninyo siya ng paghihirap at pananangis. Sapagkat sinasabi niya sa kaniyang puso: Ako ay umuupo bilang isang reyna at hindi bilang isang balo. At kailanman ay hindi ako makakakita ng pananangis. Kaya nga, sa isang araw ang kaniyang mga salot ay darating sa kaniya. Ang mga ito ay kamatayan, kalumbayan at kagutuman. Siya ay susunugin nila sa apoy sapagkat ang Panginoong Diyos ang hahatol sa kaniya.

At kapag makita nila ang usok na pumapailanglang mula sa pinagsusunugan sa kaniya, ang mga hari sa lupa ay tatangis at mananaghoy na para sa kaniya, sila yaong mga nakiapid sa kaniya at namuhay sa napakalaking kayamanan.

Read full chapter