Font Size
Pahayag 18:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 18:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Narinig(A) ko mula sa langit ang isa pang tinig na nagsasabi,
“Umalis ka sa Babilonia, bayan ko!
Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan,
upang hindi ka maparusahang kasama niya!
5 Sapagkat(B) abot na hanggang langit ang mga kasalanan niya,
at hindi nalilimutan ng Diyos ang kanyang kasamaan.
6 Gawin(C) ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba,
gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa.
Punuin ninyo ang kanyang kopa
ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa iba.