Add parallel Print Page Options

19 At sila ay nagbuhos ng alikabok sa kanilang mga ulo. Sila ay tumatangis at nana­naghoy at sumisigaw na sinasabi:

Aba! Aba! Ito ang dakilang lungsod na nagpayaman sa atin. Tayo na may mga barko sa dagat ay yumaman dahil sa kaniyang kayamanan. Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.

20 O magalak ka langit dahil sa kaniya! At kayong mga banal at mga apostol at mga propeta ay magalak. Siya ay hinatulan ng Diyos para sa inyong kapakanan.

21 Pagkatapos, isang malakas na anghel ang kumuha ng isang bato na katulad ng isang malaking gilingang bato. At inihagis niya ito sa dagat. Sinabi niya:

Sa ganitong kabagsik na paraan, ihahagis ng Diyos ang dakilang lungsod ng Babilonya. At kailanman ay hindi na ito muling makikita.

Read full chapter