Font Size
Pahayag 17:3-5
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 17:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 At dinala niya ako sa ilang sa Espiritu. Nakita ko ang isang babaeng umuupo sa ibabaw ng isang pulang mabangis na hayop. Ito ay puno ng mga pangalan ng pamumusong, at may pitong ulo at sampung sungay. 4 Ang babae ay nakasuot ng ube at pulang mga damit. Siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling mga bato at perlas. Siya ay may isang sarong ginto sa kaniyang kamay. Ito ay puno ng mga bagay na karumal-dumal at karumihan ng kaniyang pakikiapid. 5 Sa kaniyang noo ay may nakasulat na isang pangalan: HIWAGA ANG DAKILANG BABILONYA. ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL SA LUPA.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International