Font Size
Pahayag 16:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 16:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 At narinig kong sinabi ng anghel na namamahala sa mga tubig,
“Ikaw ang Matuwid, na nabubuhay ngayon at noong una, ang Banal,
sapagkat hinatulan mo ang mga bagay na ito.
6 Ang mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang ng Diyos at ng mga propeta
ay binigyan mo ng dugo upang kanilang inumin.
Iyan ang nararapat sa kanila!”
7 At narinig ko ang isang tinig mula sa dambana na nagsasabi,
“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!”