Add parallel Print Page Options

At binuksan niya ang kaniyang bibig na namumusong laban sa Diyos at laban sa kaniyang pangalan at sa tabernakulo at sa mga nananahan sa langit. Binigyan ito ng kapamahalaan upang makipagdigma laban sa mga banal at upang lupigin sila. Binigyan niya ito ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa. Ang lahat ng mga nakatira sa lupa ay sasamba sa kaniya, sila na ang kanilang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Ito ang Korderong pinatay mula ng itatag ang sanlibutan.

Read full chapter