Font Size
Pahayag 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 13:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Pinahintulutang(A) magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan. 6 Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7 Pinahintulutan(B) din siyang digmain at lupigin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa.
Read full chapter