Add parallel Print Page Options

Sinamba nila ang dragon na nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop. Sinamba nila ang mabangis na hayop. Sinabi nila: Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang maaaring makipaglaban dito?

Binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang salita at mga pamumusong. Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan. At binuksan niya ang kaniyang bibig na namumusong laban sa Diyos at laban sa kaniyang pangalan at sa tabernakulo at sa mga nananahan sa langit.

Read full chapter