Font Size
Pahayag 13:3-5
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 13:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggilalas sa mabangis na hayop at sumunod dito. 4 Sinamba nila ang dragon na nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop. Sinamba nila ang mabangis na hayop. Sinabi nila: Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang maaaring makipaglaban dito?
5 Binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang salita at mga pamumusong. Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International