Add parallel Print Page Options

Bibigyan ko ng kapangyarihan ang dalawang tagapagpatotoo ko. Sila ay maghahayag sa loob ng isang libo at dalawangdaan at animnapung araw. Magsusuot sila ng magaspang na damit. Sila ang dalawang punong olibo at ang dalawang lalagyan ng ilawan. Nakatayo ang mga ito sa harapan ng Diyos ng lupa. Kung sinuman ang ibig manakit sa kanila, ang apoy ay lalabas mula sa kanilang mga bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Ang sinumang ibig manakit sa kanila ay dapat patayin sa ganitong paraan.

Read full chapter