Add parallel Print Page Options

12 Nakarinig sila ng isang napakalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanila: Umakyat kayo rito. At umakyat sila sa langit sa alapaap at nakita sila ng kanilang mga kaaway.

13 Sa oras na iyon, nagkaroon ng isang napakalakas na lindol. Bumagsak ang ika-sampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang pinatay ng lindol. Ang mga natira ay natakot at nagbigay papuri sa Diyos ng kalangitan.

14 Natapos na ang ikalawang kaabahan. Narito, darating na agad ang pangatlong kaabahan.

Read full chapter