Add parallel Print Page Options

10 Dahil sa kanila, magagalak ang mga taong nakatira sa lupa. Magdiriwang sila at magpapadala ng mga kaloob sa isa’t isa dahil patay na ang dalawang propeta na ito na nagpapahirap sa mga naninirahan sa lupa.

11 Pagkatapos ng tatlo at kalahating araw, pumasok sa kanila ang espiritu ng buhay na mula sa Diyos. Tumindig sila sa kanilang mga paa. Labis na sindak ang bumalot sa lahat ng mga nakakita sa kanila. 12 Nakarinig sila ng isang napakalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanila: Umakyat kayo rito. At umakyat sila sa langit sa alapaap at nakita sila ng kanilang mga kaaway.

Read full chapter