Add parallel Print Page Options

Subalit sa mga araw na hihipan na ng ikapitong anghel ang kaniyang trumpeta, matatapos na ang hiwaga ng Diyos katulad nang pagpapahayag ng ebangelyo sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsasabi sa akin: Yumaon ka. Kunin mo ang bukas na munting aklat sa kamay ng anghel na nakatuntong sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

At ako ay pumunta sa anghel at sinabi ko sa kaniya: Ibigay mo sa akin ang munting balumbon. At sinabi niya sa akin: Kunin mo at kainin mong lahat ito. Paaasimin nito ang iyong tiyan. Ngunit sa iyong bibig, matamis itong katulad ng pulot.

Read full chapter