Add parallel Print Page Options

Siya ay sumumpa sa pamamagitan niya na nabubuhay sa magpakailan pa man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroon, ang lupa at ang mga bagay rito, ang dagat at ang mga bagay rito at sinabi ng anghel: Hindi na maaaring ipagpaliban pa. Subalit sa mga araw na hihipan na ng ikapitong anghel ang kaniyang trumpeta, matatapos na ang hiwaga ng Diyos katulad nang pagpapahayag ng ebangelyo sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsasabi sa akin: Yumaon ka. Kunin mo ang bukas na munting aklat sa kamay ng anghel na nakatuntong sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

Read full chapter