Add parallel Print Page Options

Nang magsalita ang mga kulog sa pamamagitan ng kani-kanilang mga tinig, susulat na sana ako. At narinig ko ang isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Selyuhan ang sinabi ng pitong kulog. Huwag mong isulat ang kanilang mga salita.

Ang anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kaniyang kamay sa langit. Siya ay sumumpa sa pamamagitan niya na nabubuhay sa magpakailan pa man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroon, ang lupa at ang mga bagay rito, ang dagat at ang mga bagay rito at sinabi ng anghel: Hindi na maaaring ipagpaliban pa.

Read full chapter