Add parallel Print Page Options

16 Siya ay may pitong bituin sa kaniyang kanang kamay. At may lumabas sa kaniyang bibig na isang tabak na may dalawang talim. Ang kaniyang mukha ay katulad ng matinding sikat ng araw.

17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na katulad ng isang taong patay. Ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay at sinabi sa akin: Huwag kang matakot. Ako ang una at ang wakas. 18 Ako yaong nabubuhay at yaong namatay. Narito, ako ay buhay magpa­kailan pa man. Siya nawa. Nasa akin ang mga susi ng hades at ng kamatayan.

Read full chapter