Font Size
Oseas 1:4-6
Ang Biblia (1978)
Oseas 1:4-6
Ang Biblia (1978)
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at (A)aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, (B)at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
5 At mangyayari (C)sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
6 At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama;[a] (D)sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
Read full chapterFootnotes
- Oseas 1:6 Sa makatuwid baga'y Ang di kinahabagan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978