Obadias
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitaing ibinigay ng Panginoong Yahweh kay Propeta Obadias tungkol sa Edom.
Paparusahan ni Yahweh ang Edom
May narinig kaming ulat buhat sa Panginoong Yahweh;
may isang sugo na ipinadala sa mga bansa:
“Humanda kayo at ang Edom ay salakayin!”
2 Sinabi ni Yahweh sa Edom,
“Gagawin kitang pinakamahinang bansa,
at kamumuhian ka ng lahat ng mga tao.
3 Nilinlang ka ng iyong kayabangan;
dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy;
dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan.
Kaya't sinasabi mo,
‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”
4 Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay,
o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay,
hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.
5 “Kung sa gabi'y dumating ang magnanakaw,
ang kinukuha lamang nila'y ang kanilang magustuhan.
Kapag ang mga tao'y namimitas ng ubas,
kahit kaunting bunga'y nagtitira sila.
Ngunit ang mga kaaway mo'y walang ititira kahit isa.
6 O lahi ni Esau, ang yaman mo'y sasamsamin;
at ang lahat ng sa iyo'y kukuhanin.
7 Nilinlang ka ng iyong mga kapanalig,
itinaboy ka mula sa iyong lupain.
Nasasakop ka na ngayon ng iyong mga kakampi.
Ang iyong mga kaibigang noo'y kasalo, ngayo'y naglagay ng patibong para sa iyo;
at kanila pang sinasabi, ‘Nasaan na ang kanyang katusuhan?’”
8 Sinabi ni Yahweh:
“Darating ang araw na paparusahan ko ang Edom,
lilipulin ko ang kanyang mga matatalinong tao,
at ang kaalaman nila'y aking papawiin.
9 Mga mandirigma ng Teman ay pawang nasisindak,
at ang mga kawal ng Edom ay malilipol na lahat.
Bakit Pinarusahan ang Edom
10 “Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob,
sa kahihiya'y malalagay ka,
at mahihiwalay sa akin magpakailanman.
11 Pinanood mo lamang sila,
nang araw na pasukin ng mga kaaway.
Kasinsama ka ng mga dayuhan
na nananamsam at naghahati-hati
sa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay.
12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang[a] kapahamakang sinapit
ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda.
Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian.
13 Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan,
ni pinagtawanan ang kanilang kasawian.
At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan
sa panahon ng kanilang kapahamakan.
14 Hindi(A) ka dapat nag-abang sa mga sangang-daan
upang ang mga pugante doon ay hadlangan.
Hindi mo na dapat sila ibinigay sa kalaban
sa araw na iyon ng kanilang kapahamakan.
Hahatulan ng Diyos ang mga Bansa
15 “Malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa,” sabi ni Yahweh.
“Ang ginawa mo Edom, sa iyo'y gagawin din;
ang ibinigay mo sa iba, siya mo ring tatanggapin.
16 Sa banal na bundok ko ay nalasap ng aking bayan
ang mapait na alak na sa kanila'y kaparusahan.
Ngunit ang mga bayan na dito'y nakapaligid,
higit na parusa ang kanilang matitikman;
iinom sila nito at lubos na mapaparam.
Ang Tagumpay ng Israel
17 “Ngunit sa Bundok Zion ay may ilang makakatakas,
at ang bundok na ito'y magiging banal na dako.
Muling aariin ng lahi ni Jacob
ang lupaing sa kanila ay ipinagkaloob.
18 At maglalagablab naman ang lahi ni Jose.
Lilipulin nila ang lahi ni Esau,
at susunugin ito na parang dayami.
Walang matitira isa man sa kanila.
Akong si Yahweh ang maysabi nito.
19 “Sasakupin ng mga taga-Negeb ang Bundok ng Edom.
Sasakupin ng mga nasa kapatagan ang lupain ng mga Filisteo.
Makukuha nila ang lupain ng Efraim at Samaria.
Ang Gilead nama'y sasakupin ng lahi ni Benjamin.
20 Magbabalik ang hukbong binubuo ng mga dinalang-bihag, sila na nagmula sa hilagang Israel.
Sila ang sasakop sa lupain ng Fenicia hanggang sa Zarefat doon sa hilaga.
Ang mga taga-Jerusalem na itinapon sa Sardis[b]
ang siya namang sasakop sa mga lunsod sa timog ng Juda.
21 Ang matagumpay na hukbo ng Jerusalem,
sasalakay sa Edom at doo'y mamamahala.
Si Yahweh mismo ang doo'y maghahari.”
Obadias
Ang Biblia, 2001
Ang Pagmamataas ng Edom ay Ibababa
1 Ang(A) pangitain ni Obadias.
Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa Edom:
Kami ay nakarinig ng mga balita mula sa Panginoon,
at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa:
“Bumangon kayo! Tumindig tayo laban sa kanya sa pakikipagdigma!”
2 Narito, gagawin kitang maliit sa mga bansa;
ikaw ay lubhang hinahamak.
3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
ikaw na naninirahan sa mga bitak ng bato,
na ang tahanan ay matayog
na nagsasabi sa iyong puso, “Sinong magbababa sa akin sa lupa?”
4 Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila,
bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin,
aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5 Kung ang mga magnanakaw ay pumaroon sa iyo,
kung ang mga manloloob sa gabi—
gaano ka winasak!—
di ba sila'y magnanakaw lamang ng sapat sa kanila?
Kung ang mga mamimitas ng ubas ay pumaroon sa iyo,
di ba sila'y mag-iiwan ng laglag na ubas?
6 O paanong si Esau ay nilooban,
hinanap ang kanyang mga kayamanan!
7 Lahat ng lalaking iyong kakampi ay dadalhin ka sa hangganan;
ang mga kasamahan mo na kasunod mo ay dadayain ka at dadaigin ka.
Ang mga kumakain ng iyong tinapay ay tatambangan ka—
walang pagkaunawa sa kanya.
8 Di ko ba lilipulin sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
ang mga taong pantas mula sa Edom,
at ang pagkaunawa mula sa bundok ng Esau?
9 At ang iyong mga makapangyarihang tao ay mababalisa, O Teman,
upang ang bawat tao ay maalis sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng pagkatay.
Bakit pa Pinarusahan ang Edom
10 Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na Jacob
ay kahihiyan ang tatakip sa iyo,
at ikaw ay aalisin magpakailanman.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa malayo,
nang araw na dalhin ng mga dayuhan ang kanyang kayamanan,
at pumasok ang mga dayuhan sa kanyang mga pintuan
at pinagpalabunutan ang Jerusalem,
ikaw ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang matuwa sa araw ng iyong kapatid
sa araw ng kanyang kapahamakan,
huwag kang magalak dahil sa mga anak ni Juda,
sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka sana nagmalaki sa araw ng pagkabalisa.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan
sa araw ng kanilang kapahamakan;
oo, huwag kang matuwa sa kanyang pagkapahamak
sa araw ng kanilang kasakunaan,
huwag kang magnakaw ng kanilang kayamanan
sa araw ng kanilang kapahamakan.
14 Huwag kang tumayo sa mga sangandaan
upang puksain ang kanyang mga takas;
huwag ibilanggo ang kanyang mga nalabi
sa araw ng kabalisahan.
Ang Paghatol sa mga Bansa
15 Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na laban sa lahat ng mga bansa.
Kung ano ang iyong ginawa, ay siyang gagawin sa iyo;
ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagkat kung paanong kayo'y uminom sa aking banal na bundok,
gayon iinom ang lahat ng mga bansa sa palibot,
sila'y iinom, at magpapasuray-suray,
at magiging wari bang sila'y hindi nabuhay.
Ang Tagumpay ng Israel
17 Ngunit sa bundok ng Zion ay doroon ang mga nakatakas,
at ito ay magiging banal;
at aangkinin ng sambahayan ni Jacob ang kanilang sariling ari-arian.
18 At ang sambahayan ni Jacob ay magiging isang apoy,
ang sambahayan ni Jose ay isang liyab,
ang sambahayan ni Esau ay dayami,
at sila'y kanilang susunugin, at sila'y tutupukin;
at walang malalabi sa sambahayan ni Esau; sapagkat sinabi ng Panginoon.
19 Silang nasa Negeb ay mag-aangkin ng Bundok ng Esau,
at silang nasa Shefela ay ang lupain ng mga Filisteo;
at kanilang aangkinin ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria;
at aangkinin ng Benjamin ang Gilead.
20 Ang mga bihag sa Hala na kabilang sa bayan ng Israel
ay mag-aangkin ng Fenicia hanggang sa Zarefta;
at ang mga bihag ng Jerusalem na nasa Sefarad
ay aangkinin ang mga bayan ng Negeb.
21 At ang mga tagapagligtas ay aahon sa Bundok ng Zion
upang hatulan ang bundok ng Esau;
at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
Obadiah
King James Version
1 The vision of Obadiah. Thus saith the Lord God concerning Edom; We have heard a rumour from the Lord, and an ambassador is sent among the heathen, Arise ye, and let us rise up against her in battle.
2 Behold, I have made thee small among the heathen: thou art greatly despised.
3 The pride of thine heart hath deceived thee, thou that dwellest in the clefts of the rock, whose habitation is high; that saith in his heart, Who shall bring me down to the ground?
4 Though thou exalt thyself as the eagle, and though thou set thy nest among the stars, thence will I bring thee down, saith the Lord.
5 If thieves came to thee, if robbers by night, (how art thou cut off!) would they not have stolen till they had enough? if the grapegatherers came to thee, would they not leave some grapes?
6 How are the things of Esau searched out! how are his hidden things sought up!
7 All the men of thy confederacy have brought thee even to the border: the men that were at peace with thee have deceived thee, and prevailed against thee; they that eat thy bread have laid a wound under thee: there is none understanding in him.
8 Shall I not in that day, saith the Lord, even destroy the wise men out of Edom, and understanding out of the mount of Esau?
9 And thy mighty men, O Teman, shall be dismayed, to the end that every one of the mount of Esau may be cut off by slaughter.
10 For thy violence against thy brother Jacob shame shall cover thee, and thou shalt be cut off for ever.
11 In the day that thou stoodest on the other side, in the day that the strangers carried away captive his forces, and foreigners entered into his gates, and cast lots upon Jerusalem, even thou wast as one of them.
12 But thou shouldest not have looked on the day of thy brother in the day that he became a stranger; neither shouldest thou have rejoiced over the children of Judah in the day of their destruction; neither shouldest thou have spoken proudly in the day of distress.
13 Thou shouldest not have entered into the gate of my people in the day of their calamity; yea, thou shouldest not have looked on their affliction in the day of their calamity, nor have laid hands on their substance in the day of their calamity;
14 Neither shouldest thou have stood in the crossway, to cut off those of his that did escape; neither shouldest thou have delivered up those of his that did remain in the day of distress.
15 For the day of the Lord is near upon all the heathen: as thou hast done, it shall be done unto thee: thy reward shall return upon thine own head.
16 For as ye have drunk upon my holy mountain, so shall all the heathen drink continually, yea, they shall drink, and they shall swallow down, and they shall be as though they had not been.
17 But upon mount Zion shall be deliverance, and there shall be holiness; and the house of Jacob shall possess their possessions.
18 And the house of Jacob shall be a fire, and the house of Joseph a flame, and the house of Esau for stubble, and they shall kindle in them, and devour them; and there shall not be any remaining of the house of Esau; for the Lord hath spoken it.
19 And they of the south shall possess the mount of Esau; and they of the plain the Philistines: and they shall possess the fields of Ephraim, and the fields of Samaria: and Benjamin shall possess Gilead.
20 And the captivity of this host of the children of Israel shall possess that of the Canaanites, even unto Zarephath; and the captivity of Jerusalem, which is in Sepharad, shall possess the cities of the south.
21 And saviours shall come up on mount Zion to judge the mount of Esau; and the kingdom shall be the Lord's.
