Add parallel Print Page Options

The vision of Abdias. Thus saith the Lord God to Edom: We have heard a rumour from the Lord, and he hath sent an ambassador to the nations: Arise, and let us rise up to battle against him.

Behold I have made thee small among the nations: thou art exceeding contemptible.

The pride of thy heart hath lifted thee up, who dwellest in the clefts of the rocks, and settest up thy throne on high: who sayest in thy heart: Who shall bring me down to the ground?

Though thou be exalted as an eagle, and though thou set thy nest among the stars: thence will I bring thee down, saith the Lord.

If thieves had gone in to thee, if robbers by night, how wouldst thou have held thy peace? would they not have stolen till they had enough? if the grapegatherers had come in to thee, would they not have left thee at the least a cluster?

How have they searched Esau, how have they sought out his hidden things?

They have sent thee out even to the border: all the men of thy confederacy have deceived thee: the men of thy peace have prevailed against thee: they that eat with thee shall lay snares under thee: there is no wisdom in him.

Shall not I in that day, saith the Lord, destroy the wise out of Edom, and understanding out of the mount of Esau?

And thy valiant men of the south shall be afraid, that man may be cut off from the mount of Esau.

10 For the slaughter, and for the iniquity against thy brother Jacob, confusion shall cover thee, and thou shalt perish for ever.

11 In the day when thou stoodest against him, when strangers carried away his army captive, and foreigners entered into his gates, and cast lots upon Jerusalem: thou also wast as one of them.

12 But thou shalt not look on in the day of thy brother, in the day of his leaving his country: and thou shalt not rejoice over the children of Juda, in the day of their destruction: and thou shalt not magnify thy mouth in the day of distress.

13 Neither shalt thou enter into the gate of my people in the day of their ruin: neither shalt thou also look on in his evils in the day of his calamity: and thou shalt not be sent out against his army in the day of his desolation.

14 Neither shalt thou stand in the crossways to kill them that flee: and thou shalt not shut up them that remain of him in the day of tribulation.

15 For the day of the Lord is at hand upon all nations: as thou hast done, so shall it be done to thee: he will turn thy reward upon thy own head.

16 For as you have drunk upon my holy mountain, so all nations shall drink continually: and they shall drink, and sup up, and they shall be as though they were not.

17 And in mount Sion shall be salvation, and it shall be holy, and the house of Jacob shall possess those that possessed them.

18 And the house of Jacob shall be a fire, and the house of Joseph a flame, and the house of Esau stubble: and they shall be kindled in them, and shall devour them: and there shall be no remains of the house of Esau, for the Lord hath spoken it.

19 And they that are toward the south, shall inherit the mount of Esau, and they that are in the plains, the Philistines: and they shall possess the country of Ephraim, and the country of Samaria: and Benjamin shall possess Galaad.

20 And the captivity of this host of the children of Israel, all the places of the Chanaanites even to Sarepta: and the captivity of Jerusalem that is in Bosphorus, shall possess the cities of the south.

21 And saviours shall come up into mount Sion to judge the mount of Esau: and the kingdom shall be for the Lord.

Ito ang sinabi ng Panginoong Dios tungkol sa bansa ng Edom, na kanyang ipinahayag kay Obadias.

Parurusahan ng Panginoon ang Edom

Nabalitaan nating mga Israelita mula sa Panginoon, na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa upang hikayatin sila na salakayin ang bansa ng Edom. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa mga taga-Edom, “Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at hahamakin nila kayo. Sinasabi ninyo na walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili. Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga?[a] Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau. Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi na sa araw ng paghatol ko sa inyo, lilipulin ko ang marurunong sa inyo. Mawawala ang karunungan sa Edom na tinatawag na Bundok ni Esau. Manginginig sa takot ang inyong mga sundalo sa lungsod ng Teman, kaya mamamatay kayong lahat na nakatira sa Bundok ni Esau.”

Ang Kasalanan ng mga Taga-Edom

10 “Dahil sa inyong pagmamalupit sa mga lahi ni Jacob, na inyong kalahi, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman. 11 Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghahati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel. 12 Hindi sana ninyo ikinatuwa ang panahon ng kapahamakan ng mga taga-Juda na inyong kalahi. Hindi sana kayo nagalak sa panahon ng kanilang pagkawasak. At hindi sana kayo nagmalaki sa panahon ng kanilang kahirapan. 13 Hindi dapat sana kayo pumasok sa lungsod ng aking mga mamamayan sa panahon ng kanilang kasawian at kumuha ng kanilang mga ari-arian. At hindi sana kayo natuwa sa panahon ng kanilang paghihirap. 14 Hindi sana kayo nag-abang sa mga sangang-daan upang patayin ang mga tumatakas mula sa Jerusalem. At hindi sana ninyo sila ibinigay sa mga kaaway sa panahon ng kanilang kasawian.

Parurusahan ng Dios ang mga Bansa

15 Hindi sana ninyo ginawa iyon sa mga taga-Jerusalem, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa. At kung ano ang inyong ginawa sa iba, ganoon din ang gagawin sa inyo. Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba, ganoon din ang magiging pagtrato nila sa inyo. 16 Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan[b] sa aking banal na bundok,[c] parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.

Magtatagumpay ang Israel

17 “Pero may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupain na dati nilang pag-aari. 18 Ang mga lahi nina Jacob at Jose[d] ay magiging tulad ng apoy na lilipol sa lahi ni Esau, tulad ng pagsunog sa dayami. At walang matitira sa lahi ni Esau.” Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

19 “Sasakupin ng mga Israelitang taga-Negev[e] ang bundok ni Esau, at sasakupin ng mga Israelitang nakatira sa kaburulan sa kanluran[f] ay sasakupin naman ang lupain ng mga Filisteo. Sasakupin din ng mga Israelita ang lupain ng Efraim at Samaria, at sasakupin naman ng mga lahi ni Benjamin ang Gilead. 20 Sasakupin ng maraming Israelita na galing sa pagkabihag ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Ang mga taga-Jerusalem na binihag sa Sefarad ay sasakupin naman ang mga bayan ng Negev. 21 Aakyat sa Bundok ng Zion ang mga tagapagpalaya ng Israel upang pamahalaan ang mga taong naninirahan sa Bundok ni Esau. At ako, ang Panginoon, ang siyang maghahari.”

Footnotes

  1. 1:5 Kaugalian ng mga Israelita na mag-iwan ng mga bunga ng kanilang mga pananim sa panahon ng pag-ani para sa mga dukha. Tingnan sa Lev. 19:10; Deu. 24:21. Maaaring ganito rin ang kaugalian ng mga taga-Edom.
  2. 1:16 ang aking mga mamamayan: sa Hebreo, kayo.
  3. 1:16 banal na bundok: o, Bundok ng Zion.
  4. 1:18 mga lahi nina Jacob at Jose: Si Jacob ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Juda, at si Jose naman ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Israel.
  5. 1:19 Negev: Ang timog ng Juda.
  6. 1:19 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.