Numbers 5
Tree of Life Version
Purity in the Camp
5 Adonai spoke to Moses saying, 2 “Command Bnei-Yisrael to send out from the camp everyone with tza’arat, who has some kind of discharge, or any contaminated by a dead body. 3 Whether male or female, you are to send them outside the camp so as not to defile the camp where I am dwelling among them.” 4 This Bnei-Yisrael did, sending them outside the camp. Just as Adonai spoke to Moses, so Bnei-Yisrael did.
5 Adonai spoke to Moses saying, 6 “Say to Bnei-Yisrael: Whenever a man or woman commits any sins against any person, thus breaking faith with Adonai, that soul bears guilt. 7 That person is to confess the sin he has committed, make full restitution for his wrong, add one fifth to it and give it to the one he wronged. [a] 8 But if that person has no close relative to whom to pay the restitution, the restitution belongs to Adonai. It is to be given to the kohen along with the ram of atonement with which he is to make atonement for him.
9 “Every contribution from all the sacred things that Bnei-Yisrael brings to the kohen will belong to him. 10 Each one’s sacred holy gifts are his own, but whatever each man gives to the kohen belongs to that kohen.”
Jealousy Ritual
11 Adonai spoke to Moses saying, 12 “Speak to Bnei-Yisrael and say to them: Suppose some man’s wife goes astray and is unfaithful to him, 13 and another man has sexual relations with her, but it is hidden from her husband’s eyes and her impurity is not detected. Yet there was no witness against her and she was not caught in the act. 14 Then a spirit of jealousy overcomes him and he is suspicious of his wife, when she is impure. Or a spirit of jealousy overcomes him and he suspects his wife, yet she is not impure.
15 “Then he should take his wife to the kohen. He must also bring a tenth of an ephah of barley flour as an offering for her. He is not to pour oil or put incense on it, because it is an offering for jealousy, a reminder offering drawing attention to guiltiness.
16 “The kohen is to bring her near and have her stand before Adonai. 17 Then the kohen is to take some holy water in a clay jar and take some dust from the floor of the Tabernacle and put it into the water. 18 Then the kohen will have the woman stand before Adonai, loosen the woman’s hair, put into her hands the reminder offering, the offering for jealousy, while in the kohen’s own hands are the bitter waters that bring a curse. 19 Then the kohen will have her swear under oath, then say to the woman, ‘If no man other than your husband has slept with you, and if you have not gone astray into impurity from your husband, may this bitter water that brings a curse not harm you. 20 If, however, you have gone astray from your husband and if you became impure and had sexual relations with a man other than your husband’— 21 Then the kohen is to have the woman swear under this oath of a curse, and say to the woman—‘then let Adonai cause you to be cursed and denounced among your people when Adonai causes your thigh to rot and your belly to swell. 22 “May this water which brings a curse enter your body and cause your belly to swell and your thigh to rot.’
“The woman is to say, ‘Amen, amen!’
23 “Then the kohen is to write these curses on a scroll and wash them into the waters of bitterness. 24 The kohen will then have the woman drink the bitter water bearing curses, so that the water of the curses of bitterness enters her. 25 The kohen is to take the jealousy offering from the woman’s hand, wave the offering before Adonai and bring it to the altar. 26 The kohen is to take a handful of the grain offering and burn it up in smoke on the altar as a memorial offering. The kohen will then have the woman drink the water.
27 “When she is made to drink the water that carries the curse, if she has defiled herself and been unfaithful to her husband, it will enter her and cause bitterness—her abdomen will swell and her thigh will waste away. She will be accursed among her people. 28 If, however, the woman has not defiled herself and is clean, she will be free from guilt and be able to have children.
29 “This is the Torah regarding jealousy, when a woman goes astray from her husband and defiles herself, 30 or when a spirit of jealousy comes over a man and he jealously suspects his wife. The kohen is to have her stand before Adonai and apply this entire Torah to her. 31 The husband will be free of guilt, but that woman will bear her guilt.”
Footnotes
- Numbers 5:8 cf. Jacob 5:16; 1 John 1:9.
Bilang 5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paglilinis ng Kampo
5 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2 “Utusan mo ang mga Israelita na palabasin nila sa kampo ang sinumang may malubhang sakit sa balat o may lumalabas sa kanyang ari dahil sa karamdaman o itinuring siyang marumi dahil nakahipo siya ng patay. 3 Palabasin ninyo sila, lalaki man o babae para hindi nila marumihan ang kampo, kung saan ako naninirahang kasama ninyo.” 4 Kaya pinalabas ng mga Israelita ang mga ganoong tao sa kampo ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang Bayad sa Ginawan ng Masama
5 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, 6 “Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay sumuway sa gusto ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng masama sa kanyang kapwa, nagkasala ang taong iyon. 7 Kailangang aminin niya ang nagawang kasalanan, at kailangang bayaran niya ng buo ang ginawan niya ng masama, at dagdagan ng 20 porsiyento ang bayad. 8 Pero kung patay na ang ginawan ng masama at wala na siyang malapit na kamag-anak na tatanggap ng bayad, ang bayad ay mapupunta sa Panginoon at kailangang ibigay ito sa pari, kasama ng tupa na ihahandog ng pari para tubusin ang kasalanan ng taong iyon. 9 Ang lahat ng banal na regalo na dinadala ng mga Israelita sa mga pari ay magiging pag-aari na ng pari. 10 Magiging pag-aari ng mga pari ang mga banal na handog na ito.”
Ang Parusa sa Babaeng Nanlalalaki
11 Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, 12-13 “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Kung sakali man na may isang lalaking naghihinala na nanlalalaki ang kanyang asawa, ngunit wala siyang katibayan dahil walang nakakita nito sa akto, 14-15 kailangang dalhin niya ang kanyang asawa sa pari, kahit na hindi totoong dinungisan nito ang sarili sa pamamagitan ng pangangalunya. At kailangang magdala ang lalaki ng handog na dalawang kilong harinang sebada para sa kanyang asawa. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o insenso dahil itoʼy handog ng paghihinala. 16 Dadalhin ng pari ang babae sa aking presensya, 17 at pagkatapos ay maglalagay ang pari ng tubig sa mangkok na gawa sa putik, at lalagyan niya ito ng alikabok na mula sa sahig ng Toldang Tipanan. 18 Kapag pinatayo na ng pari ang babae sa aking presensya, ilulugay ng pari ang buhok ng babae, at ilalagay sa kamay niya ang handog ng paghihinala para malaman kung talagang nagkasala ang babae. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang mangkok na may mapait na tubig na nagdadala ng sumpa, 19 at pasusumpain niya ang babae at sasabihin sa kanya, ‘Kung hindi mo dinungisan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, hindi ka masasaktan ng parusang dala ng tubig na ito. 20 Pero kung dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki na hindi mo asawa, 21 sumusumpa ako na magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Dios sa iyo. At sanaʼy hindi ka magkaanak.[a] 22 Ang tubig sana na ito na nagdadala ng sumpa ay pumasok sa iyong katawan para hindi ka na magkaanak.’ Pagkatapos, sasabihin ng babae, ‘Mangyari sana ito.’
23 “At isusulat ng pari ang sumpang ito sa isang sulatan at huhugasan niya ito sa mangkok na may mapait na tubig. 24 (Kapag napainom na sa babae ang mapait na tubig na nagdadala ng sumpa. At kung may kasalanan siya, magiging dahilan ito ng matinding paghihirap niya, kung talagang nagkasala siya.) 25 Pagkatapos, kukunin ng pari sa kamay ng babae ang handog ng paghihinala na inihandog ng asawa niya dahil sa paghihinala nito, at itataas ito ng pari sa aking presensya at dadalhin sa altar. 26 Kukuha ang pari ng isang dakot ng handog na ito upang malaman kung nagkasala nga ang babae o hindi, at susunugin ito sa altar. Pagkatapos, ipapainom niya sa babae ang tubig. 27 Kung totoong dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtataksil sa kanyang asawa, magpaparusa sa kanya nang matindi ang tubig na kanyang ininom na nagdadala ng sumpa. Hindi na siya magkakaanak at magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Dios sa kanya. 28 Pero kung hindi niya dinungisan ang kanyang sarili, hindi siya masasaktan, at magkakaanak siya.
29 “Ito ang kautusan tungkol sa lalaki na naghihinala sa kanyang asawa. Kung nadungisan ng babae ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtataksil sa kanyang asawa, 30 o naghihinala ang lalaki sa kanyang asawa na nanlalalaki ito, kailangang patayuin ng pari ang asawa niya sa aking presensya at ipagawa ang kautusang ito sa kanya. 31 Walang pananagutan ang lalaki pero may pananagutan ang babae kung nagkasala siya, at magdurusa siya sa kanyang kasalanan.”
Footnotes
- 5:21 hindi ka magkaanak: sa literal, lumiit ang iyong balakang (o ari) at mamaga ang iyong tiyan.
Tree of Life (TLV) Translation of the Bible. Copyright © 2015 by The Messianic Jewish Family Bible Society.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®