Mga Bilang 1:4-16
Ang Biblia, 2001
4 Magsasama kayo ng isang lalaki mula sa bawat lipi; na bawat isa'y pinuno sa sambahayan ng kanyang mga ninuno.
5 Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na tutulong sa inyo. Mula kay Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur;
6 kay Simeon: si Selumiel na anak ni Zurishadai;
7 kay Juda: si Naashon na anak ni Aminadab;
8 kay Isacar: si Natanael na anak ni Suar;
9 sa lipi ni Zebulon: si Eliab na anak ni Helon;
10 sa mga anak ni Jose: kay Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; kay Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur;
11 kay Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni;
12 kay Dan: si Ahiezer na anak ni Amisadai;
13 kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran;
14 kay Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel;[a]
15 kay Neftali: si Ahira na anak ni Enan.”
16 Ito ang mga pinili mula sa kapulungan, na mga pinuno sa mga lipi ng kani-kanilang mga ninuno. Sila ang mga puno ng mga angkan ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- Mga Bilang 1:14 tinatawag na Reuel.