Mga Bilang 29:2-6
Magandang Balita Biblia
2 Mag-alay kayo ng handog na susunugin; handog na mabangong samyo para sa akin. Ihandog ninyo ang isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong walang kapintasang tupa na tig-iisang taon pa lamang. 3 Samahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harinang minasa sa langis para sa toro, isang salop para sa tupa, 4 at kalahating salop para naman sa bawat batang tupa. 5 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng inyong mga kasalanan. 6 Ang mga handog na ito'y bukod pa sa mga handog na susunugin, at handog na pagkaing butil at inumin sa bagong buwan, at sa araw-araw. Ito'y susunugin ninyo upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.