Add parallel Print Page Options

Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila:

“Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh.
    Purihin siya ngayon at magpakailanman!
Purihin ang kanyang dakilang pangalan,
    na higit na dakila sa lahat ng papuri!”

Pagpapahayag ng Kasalanan

At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito:
“Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon;
    ikaw ang lumikha ng kalangitan
at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit,
    ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito;
ang dagat at ang lahat ng naroroon.
    Binibigyang buhay mo sila,
at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
Ikaw,(A) Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram.
    Ikaw ang tumawag sa kanya mula sa bayan ng Ur, sa Caldea
    at pinangalanan mo siyang Abraham.

Read full chapter