Nehemias 9:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila:
“Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh.
Purihin siya ngayon at magpakailanman!
Purihin ang kanyang dakilang pangalan,
na higit na dakila sa lahat ng papuri!”
Pagpapahayag ng Kasalanan
6 At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito:
“Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon;
ikaw ang lumikha ng kalangitan
at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit,
ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito;
ang dagat at ang lahat ng naroroon.
Binibigyang buhay mo sila,
at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
7 Ikaw,(A) Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram.
Ikaw ang tumawag sa kanya mula sa bayan ng Ur, sa Caldea
at pinangalanan mo siyang Abraham.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.