Nehemias 9:29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Binabalaan(A) mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,
ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.
Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,
sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
Ezekiel 18:9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Sinusunod(A) niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya.
Read full chapter
Ezekiel 20:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Doon,(A) ibinigay ko sa kanila ang Kautusan at mga tuntuning dapat nilang sundin upang sila'y mabuhay. 12 Ibinigay(B) ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalala nila na akong si Yahweh ang nagpapabanal sa kanila. 13 Ngunit maging sa ilang ay naghimagsik sila sa akin, hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Ang Kautusan kong dapat sundin upang mabuhay sila ay kanilang tinanggihan, bagkus nilapastangan pa nila ang Araw ng Pamamahinga.
“At binalak ko na noong iparanas sa kanila ang matinding galit ko para malipol na sila.
Read full chapter
Lucas 10:28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 Sabi(A) ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
Read full chapter
Roma 10:5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kaligtasan ay para sa Lahat
5 Ganito(A) ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.”
Read full chapter
Galacia 3:12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Ang(A) Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng itinatakda ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.”
Read full chapter