Font Size
Nehemias 9:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nehemias 9:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang,
kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang.
Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan,
ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
22 “Pinasakop(A) mo sa kanila ang mga kaharian at bayan,
ang lupaing sakop ni Haring Sihon ng Hesbon
at ang lupain ni Haring Og ng Bashan.
23 Pinarami(B) mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.
Dinala mo sila sa lupain
na ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.