Add parallel Print Page Options

Pang-aapi sa Mahihirap

Dumating ang panahon na ang mga mamamayan, lalaki man o babae, ay nagreklamo laban sa kanilang kapwa Judio. Sinabi ng ilan, “Malaki ang aming pamilya at kailangan namin ng trigong makakain upang mabuhay.” Sinabi naman ng iba na nakapagsangla sila ng kanilang mga bukirin, ubasan at mga bahay, huwag lamang silang magutom. May nagsasabi namang, “Nakapangutang kami makapagbuwis lamang sa hari para sa aming mga bukirin at ubasan. Kami'y mga Judio rin at ang mga anak namin ay tulad din ng kanilang mga anak! Ngunit ipinapaalila namin ang aming mga anak. Sa katunayan, ang ilan sa mga anak naming babae ay naipagbili na namin para maging alipin. Wala kaming magawâ sapagkat ang aming mga bukirin at ubasan ay kinamkam na sa amin.”

Labis akong nagalit nang marinig ko ang mga reklamong ito. Nagpasya(A) akong harapin ang mga pinuno at mga hukom. Pinaratangan ko sila ng ganito: “Ano't nagawa ninyong magpautang nang may tubo sa inyong mga kababayan?”

Kaya't tinipon ko ang mga tao sa isang pangkalahatang pulong. Sinabi ko, “Sinikap nating mapalaya ang ating kapwa-Judio na naipagbili sa ibang bansa. Ngayon nama'y kayo ang nanggigipit sa kanila upang ipagbili ang kanilang sarili sa inyo na mga kapwa nila Judio!” Hindi makapagsalita ang mga pinuno. “Mali ang inyong ginagawa,” patuloy ko. “Dapat kayong matakot sa Diyos at gumawa nang mabuti upang hindi tayo hamakin ng mga pagano. 10 Ang mga kababayan nating nagigipit ay pinahiram ko na ng salapi at pagkain. Ganoon din ang ginawa ng aking mga kamag-anak at mga tauhan. Huwag na natin silang pagbayarin ng interes ng kanilang pagkakautang. 11 Ngayon di'y ibalik ninyo ang mga bukirin at ubasan sa mga may utang sa inyo, pati ang kanilang mga taniman ng olibo, at tahanan. Ibalik din ninyo ang naging interes ng perang ipinahiram ninyo, gayundin ang mga trigo, alak at langis na ipinahiram ninyo sa kanila.”

12 “Ibabalik namin ang lahat ng iyon sa kanila,” sagot nila. “Hindi na namin sila sisingilin. Tutuparin namin ang hinihingi mo.” Ipinatawag ko ang mga pari at pinanumpa sa harap nila ang mga pinuno upang tuparin ng mga ito ang kanilang pangako. 13 Ipinagpag ko ang aking kasuotan at sinabi ko, “Ganyan nawa ang gawin ng Diyos sa mga ari-arian ng mga taong hindi tumupad sa kanyang pangako. Ipagpag din sana silang tulad nito at maghirap.”

Lahat ng naroo'y sumang-ayon at sinabi, “Mangyari nawa ang sinabi ninyo.” Pinuri nila si Yahweh at tinupad ng mga tao ang kanilang pangako.

Si Nehemias ay Hindi Makasarili

14 Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ika-20 taon ng paghahari ni Artaxerxes hanggang ika-32 taon, ako, ni ang aking mga kamag-anak ay hindi kumain ng pagkaing nauukol sa gobernador. 15 Ang mga naunang gobernador sa Juda ay naging pabigat sa mga tao na hinihingan nila ng pagkain at ng alak bukod pa sa apatnapung pirasong pilak. Maging ang mga katulong nila'y katulong din sa pagpapahirap. Ngunit hindi ko ginawa iyon, sapagkat ako'y may takot sa Diyos. 16 Ginawa ko ang lahat upang muling maitayo ang pader sa tulong ng aking mga tauhan. Hindi ako naghangad ng anumang ari-arian. 17 Ako'y laging nagpapakain ng 150 panauhing Judio, gayundin ng aming mga pinuno bukod sa mga taong dumarating mula sa mga malalapit na bansa. 18 Araw-araw ay nagpapakatay ako ng isang toro, anim na matatabang tupa, at maraming manok at tuwing ikasampung araw ay naglalabas ako ng maraming alak. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko pa rin kinuha ang pagkaing nauukol sa gobernador, sapagkat alam kong ang mga tao'y naghihirap. 19 Alalahanin mo ako, O Diyos, sa lahat ng aking ginawa alang-alang sa sambayanang ito.

Nehemiah Deals with Strife

Now there was a great cry of distress of the people and of their wives against their Jewish brothers. There were those who were saying, “Our sons and daughters, we are many. We must get grain so that we may eat and live.” There were also those saying, “We have pledged our fields and our vineyards and our houses so that we can get grain in the famine.” And there were those who were saying, “We have borrowed money on our fields and our vineyards for the tax of the king. Now our flesh is like the flesh of our brothers, our sons are like their sons. Look, we are subduing our sons and our daughters to be slaves, and there are some from our daughters being molested. We are powerless,[a] and our fields and vineyards belong to others.”

I was very angry when I heard their shouts and these words. I thought over this in my heart, and then I quarreled with the nobles and the prefects. I said to them, “You yourselves are taking interest from your own brother!” So I called the great assembly against them, and I said to them: “We ourselves have bought back our brothers the Jews who were sold to the nations as we were able. But now you yourselves have sold your brothers so they may be sold to us!” They were silent and could not find a word to say.

So I said, “The thing that you are doing is not good. Should you not walk in the fear of our God to prevent the disgrace from the nations, our enemies? 10 Also, I and my brothers and my servants are lending them money and grain. Please stop taking this interest. 11 Please restore to them this day their fields, their vineyards, their olive groves, their houses, and the interest on the money, the grain, the grape juice, and the olive oil that you have been taking from them.” 12 So they said, “We will restore it and will not request anything more. So we will do as you say.” Then I called the priests and made them take an oath to do this promise. 13 I also shook out my garment and said, “This is how God will shake out everyone from his house who will not keep this promise. So this is how his possessions will be shaken out and emptied.” And all the assembly said, “Amen!” And they praised Yahweh, and the people kept this promise.

Nehemiah Denies His Allotment

14 Moreover, from the appointed day I was made their governor in the land of Judah, from the twentieth year until the thirty-second year of King Artaxerxes—twelve years. My brothers and I did not eat the food allowance of the governor. 15 The former governors who were before me laid burdens on the people, and they took food and wine from them, besides forty shekels. Also, their servants controlled the people, but I did not do so because of the fear of God. 16 I also devoted myself to the work of this wall, and we did not buy land. All of my servants were gathered for the work. 17 One hundred and fifty men, prefects and Jews, and those who came to us from the nations around us, were at my table. 18 Now what was prepared each day for me was one ox, six choice sheep, and birds. And every ten days all kinds of wine were made. But for this I did not demand the food allowance of the governor because the slavery was too heavy on this people. 19 Remember me for good, my God, all that I have done for this people.

Footnotes

  1. Nehemiah 5:5 Literally “There is no power in our hand”