Add parallel Print Page Options

11 Ang ibang bahagi at ang moog[a] ng mga hurno ay hinusay ni Malchias na anak ni Harim, at ni Hasub na anak ni Pahatmoab.

12 At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, niya at ng kaniyang mga anak na babae.

13 (A)Ang pintuang-bayan ng libis ay hinusay ni Hanun, at ng mga taga Zanoa; kanilang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon, at isang libong siko sa kuta hanggang sa (B)pintuang-bayan ng tapunan ng dumi.

Read full chapter

Footnotes

  1. Nehemias 3:11 Neh. 12:38.