Add parallel Print Page Options

13 Lumabas kami sa pintuang nakaharap sa lambak at pumunta sa Balon ng Dragon[a] hanggang sa may pintuan ng pinagtatapunan ng basura. Pinagmasdan kong mabuti ang mga nagibang pader ng Jerusalem at ang mga pintuan nitong nasunog. 14 Nagpatuloy ako sa Pintuan ng Bukal hanggang sa paliguan ng hari, pero hindi makaraan doon ang asno ko. 15 Kaya tumuloy na lang ako sa Lambak ng Kidron, at siniyasat ang mga pader nang gabing iyon. Pagkatapos, bumalik ako at muling dumaan sa pintuang nakaharap sa lambak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:13 Dragon: o, ahas; o, asong-gubat.