Add parallel Print Page Options

13 At ako'y lumabas ng kinagabihan sa (A)pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.

14 Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa (B)pintuang-bayan ng bukal at sa (C)tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

15 Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa (D)batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako.

Read full chapter