Add parallel Print Page Options

Ang Listahan ng mga Pari at mga Levita

12 Ito ang listahan ng mga pari at mga Levitang bumalik kasama ni Zerubabel na anak ni Sealtiel at ng pinakapunong paring si Josue.

Ang mga pari ay sina:

Sereias, Jeremias, Ezra,

Amarias, Maluc, Hatus,

Secanias, Rehum, Meremot,

Ido, Ginetoi, Abijas,

Mijamin, Maadias, Bilga,

Semaias, Joiarib, Jedaias,

Salu, Amok, Hilkias at Jedaias.

Sila ang mga pinuno ng mga pari at ng kanilang mga angkan nang panahon ni Josue.

Ang mga Levita naman ay sina Jeshua, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda at Matanias. Sila ang namahala sa pagkanta ng mga awit ng pasasalamat.

Read full chapter