Nehemias 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Ang unang pumirma ay si Gobernador Nehemias na anak ni Hakalias, at si Zedekia.
2-8 Ang mga paring pumirma ay sina Seraya, Azaria, Jeremias, Pashur, Amaria, Malkia, Hatush, Shebania, Maluc, Harim, Meremot, Obadias, Daniel, Gineton, Baruc, Meshulam, Abijah, Mijamin, Maazia, Bilgai, at Shemaya.
9-13 Ang mga Levita na pumirma ay sina Jeshua na anak ni Azania, Binui na mula sa pamilya ni Henadad, Kadmiel, Shebania, Kelita, Pelaya, Hanan, Mica, Rehob, Hashabia, Zacur, Sherebia, Shebania, Hodia, Bani, at Beninu.
14-27 Ang mga pinuno na pumirma ay sina Paros, Pahat Moab, Elam, Zatu, Bani, Buni, Azgad, Bebai, Adonia, Bigvai, Adin, Ater, Hezekia, Azur, Hodia, Hashum, Bezai, Harif, Anatot, Nebai, Magpias, Meshulam, Hezir, Meshezabel, Zadok, Jadua, Palatia, Hanan, Anaya, Hoshea, Hanania, Hashub, Halohes, Pilha, Shobek, Rehum, Hashabna, Maaseya, Ahia, Hanan, Anan, Maluc, Harim, at Baana.
Ang Kasunduan
28 Ang iba pang mamamayan ng Israel, pati na ang mga pari, mga Levita, mga guwardya ng mga pintuan ng templo, mga mang-aawit, mga utusan sa templo, at ang lahat ng nakahiwalay sa mga dayuhang nakatira sa lupain namin para sumunod sa Kautusan ng Dios, maging ang mga asawa nila at ang mga batang nakakaunawa na 29 ay nanumpa kasama ng aming mga pinuno, na aming tutuparin ang Kautusan na ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises. Nanumpa rin kami na tatanggapin namin ang sumpa ng Dios kung hindi namin matutupad ang pangakong susundin namin ang lahat ng utos at tuntunin ng Panginoon na aming Dios. 30 Nangako kami na hindi namin papayagang makapag-asawa ang mga anak namin ng mga dayuhang naninirahan sa aming lupain. 31 Nangako rin kami na hindi kami bibili kung ipagbibili ng mga dayuhan ang trigo nila o kahit anong ipinagbibili sa Araw ng Pamamahinga o sa ibang banal na araw. At tuwing ikapitong taon, hindi kami magtatanim sa aming lupain, at hindi na namin sisingilin ang mga may utang sa amin.
32 Nangako pa kami na tutuparin namin ang utos na magbibigay kami bawat taon ng apat na gramong pilak para sa gawain sa templo ng aming Dios. 33 Nakalaan ito para sa tinapay na inihahandog sa presensya ng Dios, sa mga handog na sinusunog at mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na inihahandog araw-araw, sa mga handog para sa Araw ng Pamamahinga, para sa Pista ng Pagsisimula ng Buwan,[a] at sa iba pang mga pista; maging sa iba pang mga banal na handog tulad ng handog sa paglilinis na inihahandog upang matubos ang mga mamamayan ng Israel sa kanilang mga kasalanan. Ginagamit din ang perang ito sa iba pang mga pangangailangan sa templo ng aming Dios. 34 Nagpalabunutan kaming lahat, pati ang mga pari namin at mga Levita, para malaman kung kailan magdadala ng panggatong ang bawat pamilya bawat taon para gamitin sa mga handog sa altar ng Panginoon na aming Dios, ayon sa nasusulat sa Kautusan.
35 Nangako rin kami na dadalhin namin bawat taon sa templo ng Panginoon ang unang ani ng aming bukirin at ang unang bunga ng aming mga tanim. 36 Dadalhin din namin sa mga pari na naglilingkod sa templo ng aming Dios ang aming panganay na anak na lalaki, pati ang unang anak ng aming mga baka, tupa, at kambing, ayon sa nasusulat sa Kautusan.
37 Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, para ilagay sa bodega ng templo ng Dios. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong katas ng ubas at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani, dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng baryo na may mga sakahan. Kapag mangongolekta ng ikapu ang mga Levita, 38 sinasamahan sila ng mga pari mula sa angkan ni Aaron. At ang ikapu ng nakolekta ay dadalhin ng mga Levita sa bodega ng templo ng aming Dios. 39 Ang mga Israelita, pati na ang mga Levita ay dapat magdala ng mga handog na trigo, bagong katas ng ubas at langis sa bodega kung saan nakalagay ang mga kagamitan ng templo at kung saan nakatira ang mga pari na naglilingkod, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang mga mang-aawit.
Kaya nangako kami na hindi namin pababayaan ang templo ng aming Dios.
Footnotes
- 10:33 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Nehemias 10
Ang Biblia (1978)
Ang tipan ng bayan upang ingatan ang kautusan, at ganapin ang pagsamba sa templo.
10 (A)Yaon ngang nagsipagtakda ay: si (B)Nehemias, ang tagapamahala, na (C)anak ni Hachalias, at si Sedecias;
2 Si (D)Seraias, si (E)Azarias, si Jeremias;
3 Si Pashur, si Amarias, si Malchias;
4 Si Hattus, si Sebanias, si Malluch;
5 Si Harim, si Meremoth, si Obadias;
6 Si Daniel, si Ginethon, si Baruch;
7 Si Mesullam, si Abias, si Miamin;
8 Si Maazias, si Bilgai, si Semeias: ang mga ito'y saserdote.
9 At ang mga Levita: sa makatuwid baga'y, si Jesua na anak ni Azanias, si Binnui, sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel;
10 At ang kanilang mga kapatid, si Sebanias, si Odaia, si Celita, si Pelaias, si Hanan;
11 Si Micha, si Rehob, si Hasabias;
12 Si Zachur, si Serebias, si Sebanias;
13 Si Odaia, si Bani, si Beninu;
14 Ang mga puno ng bayan: si Pharos, si Pahath-moab, si Elam, si Zattu, si Bani;
15 Si Bunni, si Azgad, si Bebai;
16 Si Adonias, si Bigvai, si Adin;
17 Si Ater, si Ezekias, si Azur;
18 Si Odaia, si Hasum, si Bezai;
19 Si Ariph, si Anathoth, si Nebai;
20 Si Magpias, si Mesullam, si Hezir;
21 Si Mesezabel, Sadoc, si Jadua;
22 Si Pelatias, si Hanan, si Anaias;
23 Si Hoseas, si Hananias, si Asub;
24 Si Lohes, si Pilha, si Sobec;
25 Si Rehum, si Hasabna, si Maaseias;
26 At si Ahijas, si Hanan, si Anan;
27 Si Malluch, si Harim, si Baana.
28 At ang nalabi sa bayan, ang mga (F)saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, (G)at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa't may kaalaman at kaunawaan;
29 Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, (H)at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na (I)lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan;
30 At hindi namin ibibigay ang aming mga (J)anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake.
31 At kung ang mga bayan ng lupain ay (K)mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong (L)taon, at ang (M)pagsingil ng bawa't utang.
32 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:
33 (N)Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging (O)handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang (P)kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang (Q)itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,
34 (R)At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa (S)kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang (T)sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa (U)kautusan.
35 At upang dalhin ang mga unang (V)bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon:
36 Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, (W)gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios:
37 At upang aming dalhin ang mga (X)unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga (Y)silid ng bahay ng aming Dios; at ang (Z)ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka't sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran.
38 At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita, pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga (AA)ikasangpung bahagi; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios, sa mga silid sa loob ng (AB)bahay ng kayamanan.
39 Sapagka't ang mga anak ni Israel, at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas, na trigo, alak, at langis, sa mga silid, na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario, at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa, at ng mga tagatanod-pinto, at ng mga mangaawit: at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios.
尼希米记 10
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
在约上盖印的人
10 在上面盖印的有哈迦利亚的儿子尼希米省长,以及西底迦;
2 祭司有西莱雅、亚撒利雅、耶利米、 3 巴施户珥、亚玛利雅、玛基雅、 4 哈突、示巴尼、玛鹿、 5 哈琳、米利末、俄巴底亚、 6 但以理、近顿、巴录、 7 米书兰、亚比雅、米雅民、 8 玛西亚、璧该和示玛雅;
9 利未人有亚散尼的儿子耶书亚、希拿达的子孙宾内、甲篾, 10 以及他们的弟兄示巴尼、荷第雅、基利他、毗莱雅、哈难、 11 米迦、利合、哈沙比雅、 12 撒刻、示利比、示巴尼、 13 荷第雅、巴尼和比尼努;
14 民众首领有巴录、巴哈·摩押、以拦、萨土、巴尼、 15 布尼、押甲、比拜、 16 亚多尼雅、比革瓦伊、亚丁、 17 亚特、希西迦、押朔、 18 荷第雅、哈顺、比赛、 19 哈拉、亚拿突、尼拜、 20 抹比押、米书兰、希悉、 21 米示萨别、撒督、押杜亚、 22 毗拉提、哈难、亚奈雅、 23 何细亚、哈拿尼雅、哈述、 24 哈罗黑、毗利哈、朔百、 25 利宏、哈沙拿、玛西雅、 26 亚希雅、哈难、亚南、 27 玛鹿、哈琳和巴拿。
约的内容
28 其余的民众、祭司、利未人、殿门守卫、歌乐手、殿役和所有与外族人隔离以便遵从上帝律法的人,以及他们的妻子和儿女等所有能够明白的人, 29 都跟随他们的贵族同胞起誓要谨遵上帝借祂仆人摩西颁布的律法,遵守我们的主耶和华的一切诫命、典章和律例。 30 我们不将女儿嫁给当地的人,也不为儿子娶当地的女子。 31 如果这地方的居民在安息日或其他圣日带来货物和五谷要卖给我们,我们必不购买。我们每逢第七年必不耕种,也必不追讨债务。
32 我们为自己定下律例,每人每年捐献四克银子,供我们上帝的殿使用, 33 以支付供饼、日常献的素祭和燔祭,安息日、朔日[a]和其他节期所献的圣物,为以色列人献上的赎罪祭,以及我们上帝殿中的各项费用。 34 我们的祭司、利未人和民众抽签,决定每年哪一族要在指定的时间把献祭时所需用的木材带到我们上帝的殿里,按照律法的规定烧在我们的上帝耶和华的坛上。 35 我们把每年地里初熟的物产和各种树上初熟的果子献到耶和华的殿里。 36 我们按照律法的规定献上我们的长子和头胎的牛羊,把他们带到我们上帝的殿中,交给在那里供职的祭司。 37 我们把上好的面团、举祭、各样果子、新酒和新油交给祭司,收进我们上帝殿的库房里,并把我们地里收成的十分之一交给利未人,这是他们在我们所有城邑的出产中当收取的份。 38 利未人收取十分之一的时候,要有亚伦子孙中的一位祭司陪同,利未人要从这十分之一中抽出十分之一带到我们上帝的殿中,收进库房里。 39 以色列人和利未人要将这些五谷、新酒和新油作为举祭带到收藏圣所器皿的地方,即供职的祭司、殿门守卫和歌乐手所住的房子。这样,我们便不会忽略我们上帝的殿。
Footnotes
- 10:33 “朔日”即每月初一。
Nehemiah 10
New International Version
10 [a]Those who sealed it were:
Nehemiah the governor, the son of Hakaliah.
Zedekiah, 2 Seraiah,(A) Azariah, Jeremiah,
3 Pashhur,(B) Amariah, Malkijah,
4 Hattush, Shebaniah, Malluk,
5 Harim,(C) Meremoth, Obadiah,
6 Daniel, Ginnethon, Baruch,
7 Meshullam, Abijah, Mijamin,
8 Maaziah, Bilgai and Shemaiah.
These were the priests.(D)
9 The Levites:(E)
Jeshua son of Azaniah, Binnui of the sons of Henadad, Kadmiel,
10 and their associates: Shebaniah,
Hodiah, Kelita, Pelaiah, Hanan,
11 Mika, Rehob, Hashabiah,
12 Zakkur, Sherebiah, Shebaniah,
13 Hodiah, Bani and Beninu.
14 The leaders of the people:
Parosh, Pahath-Moab, Elam, Zattu, Bani,
15 Bunni, Azgad, Bebai,
16 Adonijah, Bigvai, Adin,(F)
17 Ater, Hezekiah, Azzur,
18 Hodiah, Hashum, Bezai,
19 Hariph, Anathoth, Nebai,
20 Magpiash, Meshullam, Hezir,(G)
21 Meshezabel, Zadok, Jaddua,
22 Pelatiah, Hanan, Anaiah,
23 Hoshea, Hananiah,(H) Hasshub,
24 Hallohesh, Pilha, Shobek,
25 Rehum, Hashabnah, Maaseiah,
26 Ahiah, Hanan, Anan,
27 Malluk, Harim and Baanah.
28 “The rest of the people—priests, Levites, gatekeepers, musicians, temple servants(I) and all who separated themselves from the neighboring peoples(J) for the sake of the Law of God, together with their wives and all their sons and daughters who are able to understand— 29 all these now join their fellow Israelites the nobles, and bind themselves with a curse and an oath(K) to follow the Law of God given through Moses the servant of God and to obey carefully all the commands, regulations and decrees of the Lord our Lord.
30 “We promise not to give our daughters in marriage to the peoples around us or take their daughters for our sons.(L)
31 “When the neighboring peoples bring merchandise or grain to sell on the Sabbath,(M) we will not buy from them on the Sabbath or on any holy day. Every seventh year we will forgo working the land(N) and will cancel all debts.(O)
32 “We assume the responsibility for carrying out the commands to give a third of a shekel[b] each year for the service of the house of our God: 33 for the bread set out on the table;(P) for the regular grain offerings and burnt offerings; for the offerings on the Sabbaths, at the New Moon(Q) feasts and at the appointed festivals; for the holy offerings; for sin offerings[c] to make atonement for Israel; and for all the duties of the house of our God.(R)
34 “We—the priests, the Levites and the people—have cast lots(S) to determine when each of our families is to bring to the house of our God at set times each year a contribution of wood(T) to burn on the altar of the Lord our God, as it is written in the Law.
35 “We also assume responsibility for bringing to the house of the Lord each year the firstfruits(U) of our crops and of every fruit tree.(V)
36 “As it is also written in the Law, we will bring the firstborn(W) of our sons and of our cattle, of our herds and of our flocks to the house of our God, to the priests ministering there.(X)
37 “Moreover, we will bring to the storerooms of the house of our God, to the priests, the first of our ground meal, of our grain offerings, of the fruit of all our trees and of our new wine and olive oil.(Y) And we will bring a tithe(Z) of our crops to the Levites,(AA) for it is the Levites who collect the tithes in all the towns where we work.(AB) 38 A priest descended from Aaron is to accompany the Levites when they receive the tithes, and the Levites are to bring a tenth of the tithes(AC) up to the house of our God, to the storerooms of the treasury. 39 The people of Israel, including the Levites, are to bring their contributions of grain, new wine and olive oil to the storerooms, where the articles for the sanctuary and for the ministering priests, the gatekeepers and the musicians are also kept.
“We will not neglect the house of our God.”(AD)
Footnotes
- Nehemiah 10:1 In Hebrew texts 10:1-39 is numbered 10:2-40.
- Nehemiah 10:32 That is, about 1/8 ounce or about 4 grams
- Nehemiah 10:33 Or purification offerings
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

