Add parallel Print Page Options

38 Ang(A) pari na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita kapag tumatanggap ang mga Levita ng mga ikasampung bahagi. At iaakyat ng mga Levita ang ikasampung bahagi ng mga ikasampung bahagi sa bahay ng aming Diyos, sa mga silid ng bahay-imbakan.

39 Sapagkat dadalhin ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Levi ang mga handog na trigo, alak, at langis sa mga silid na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuwaryo, at ng mga pari na nangangasiwa at ng mga bantay-pinto at mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.

Read full chapter