Add parallel Print Page Options

Nagmalasakit si Nehemias sa Jerusalem

Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias.

Sa buwan ng Chislev, nang ikadalawampung taon, samantalang ako'y nasa Susa na siyang kabisera,[a]

si Hanani, isa sa aking mga kapatid, ay dumating na kasama ang ilang lalaki mula sa Juda. Tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na natirang buháy, na nakatakas sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.

Sinabi nila sa akin, “Ang mga natirang buháy sa lalawigan na nakatakas sa pagkabihag ay nasa isang malubhang kalagayan at kahihiyan. Ang pader ng Jerusalem ay wasak at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Nehemias 1:1 o palasyo .