Add parallel Print Page Options

Mga Pakana Laban kay Nehemias

Nang maibalita kina Sanballat, Tobias, at Gesem na taga-Arabia, at sa iba pa naming mga kaaway na naitayo ko na ang pader at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong iyon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan),

sina Sanballat at Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, “Pumarito ka, magkita tayo sa isa sa mga nayon sa kapatagan ng Ono.” Ngunit nagbabalak silang gawan ako ng masama.

At ako'y nagpadala ng mga sugo sa kanila, na nagsasabi, “Ako'y gumagawa ng isang dakilang gawain at hindi ako makakababa. Bakit kailangang itigil ang gawain, habang wala ako upang makababa lamang sa inyo?”

At sila'y nagsugo sa akin nang apat na ulit sa ganitong paraan at sinagot ko sila sa gayunding paraan.

Sa gayunding paraan isinugo ni Sanballat ang kanyang lingkod sa akin sa ikalimang pagkakataon na may bukas na sulat sa kanyang kamay.

Doon ay nakasulat: “Naibalita sa mga bansa, at sinasabi rin ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik na siyang dahilan kung bakit nagtatayo ka ng pader. At nais mong maging hari nila, ayon sa ulat na ito.

At naglagay ka rin ng mga propeta upang magpahayag tungkol sa iyo sa Jerusalem, ‘May isang hari sa Juda.’ At ngayo'y ibabalita ito sa hari ayon sa mga salitang ito. Kaya't pumarito ka ngayon, at mag-usap tayo.”

Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kanya, na sinasabi, “Walang ganyang mga bagay na gaya ng iyong sinasabi ang ginawa. Kinatha mo lamang ang mga iyan mula sa sarili mong pag-iisip.”

Sapagkat ibig nilang lahat na takutin kami, na nag-aakalang, “Hihinto ang mga kamay nila sa paggawa at hindi ito matatapos.” Ngunit ngayon, O Diyos, palakasin mo ang aking mga kamay.

10 Nang ako'y pumaroon sa bahay ni Shemaya na anak ni Delaias na anak ni Mehetabel na nakulong ay kanyang sinabi, “Tayo'y magtipon sa bahay ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo; sapagkat sila'y darating upang patayin ka. Tiyak, sa gabi ay darating sila upang patayin ka.”

11 Ngunit aking sinabi, “Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? Ang tao bang gaya ko ay papasok sa templo upang iligtas ang buhay? Hindi ako papasok.”

12 At aking napag-alaman at nakita na hindi siya sinugo ng Diyos, kundi kanyang sinabi ang propesiya laban sa akin, sapagkat inupahan siya nina Tobias at Sanballat.

13 Para sa layuning ito ay inupahan siya, upang ako'y matakot at kumilos sa ganitong paraan at magkasala, upang mabigyan nila ako ng isang masamang pangalan at ako'y kanilang tuyain.

14 Alalahanin mo, O aking Diyos, sina Tobias at Sanballat ayon sa mga gawang ito na kanilang ginawa, gayundin ang babaing propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na nagnais na ako'y takutin.

Ang Pagtatapos ng Gawain

15 Sa gayo'y natapos ang pader sa ikadalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, sa loob ng limampu't dalawang araw.

16 Nang ito'y mabalitaan ng lahat ng aming mga kaaway, ang lahat ng mga bansang nasa palibot namin ay natakot at napahiya sa kanilang sariling pagmamataas, sapagkat kanilang nabatid na ang gawang ito ay natapos sa tulong ng aming Diyos.

17 Bukod dito, sa mga araw na iyon ay nagpadala ng maraming sulat kay Tobias ang mga maharlika sa Juda at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila.

18 Sapagkat marami sa Juda ang nanumpa sa kanya, sapagkat siya'y manugang ni Shecanias na anak ni Arah; at kinuha ng kanyang anak na si Jehohanan ang anak na babae ni Mesulam na anak ni Berequias upang maging kanyang asawa.

19 Nagsalita rin sila tungkol sa kanyang mabubuting gawa sa harapan ko, at ibinalita ang aking mga sinabi sa kanya. At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang takutin ako.

Conspiracy Against Nehemiah

Now it happened (A)when Sanballat, Tobiah, [a]Geshem the Arab, and the rest of our enemies heard that I had rebuilt the wall, and that there were no breaks left in it (B)(though at that time I had not hung the doors in the gates), that Sanballat and [b]Geshem (C)sent to me, saying, “Come, let us meet together [c]among the villages in the plain of (D)Ono.” But they (E)thought to do me harm.

So I sent messengers to them, saying, “I am doing a great work, so that I cannot come down. Why should the work cease while I leave it and go down to you?”

But they sent me this message four times, and I answered them in the same manner.

Then Sanballat sent his servant to me as before, the fifth time, with an open letter in his hand. In it was written:

It is reported among the nations, and [d]Geshem says, that you and the Jews plan to rebel; therefore, according to these rumors, you are rebuilding the wall, (F)that you may be their king. And you have also appointed prophets to proclaim concerning you at Jerusalem, saying, “There is a king in Judah!” Now these matters will be reported to the king. So come, therefore, and let us consult together.

Then I sent to him, saying, “No such things as you say are being done, but you invent them in your own heart.”

For they all were trying to make us afraid, saying, “Their hands will be weakened in the work, and it will not be done.”

Now therefore, O God, strengthen my hands.

10 Afterward I came to the house of Shemaiah the son of Delaiah, the son of Mehetabel, who was a secret informer; and he said, “Let us meet together in the house of God, within the [e]temple, and let us close the doors of the temple, for they are coming to kill you; indeed, at night they will come to kill you.”

11 And I said, “Should such a man as I flee? And who is there such as I who would go into the temple to save his life? I will not go in!” 12 Then I perceived that God had not sent him at all, but that (G)he pronounced this prophecy against me because Tobiah and Sanballat had hired him. 13 For this reason he was hired, that I should be afraid and act that way and sin, so that they might have cause for an evil report, that they might reproach me.

14 (H)My God, remember Tobiah and Sanballat, according to these their works, and the (I)prophetess Noadiah and the rest of the prophets who would have made me afraid.

The Wall Completed

15 So the wall was finished on the twenty-fifth day of Elul, in fifty-two days. 16 And it happened, (J)when all our enemies heard of it, and all the nations around us saw these things, that they were very disheartened in their own eyes; for (K)they perceived that this work was done by our God.

17 Also in those days the nobles of Judah sent many letters to Tobiah, and the letters of Tobiah came to them. 18 For many in Judah were pledged to him, because he was the (L)son-in-law of Shechaniah the son of Arah, and his son Jehohanan had married the daughter of (M)Meshullam the son of Berechiah. 19 Also they reported his good deeds before me, and reported my [f]words to him. Tobiah sent letters to frighten me.

Footnotes

  1. Nehemiah 6:1 Or Gashmu
  2. Nehemiah 6:2 Or Gashmu
  3. Nehemiah 6:2 Or in Kephirim, exact location unknown
  4. Nehemiah 6:6 Heb. Gashmu
  5. Nehemiah 6:10 Lit. house
  6. Nehemiah 6:19 Or affairs