Add parallel Print Page Options

Ang lahat ay dahil sa di mabilang na pagpapakasama ng bayarang babae,[a]
    ang maganda at babaing dalubhasa sa pag-eengkanto,
na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kanyang pagiging bayarang babae.[b]
    at ang mga bayan sa pamamagitan ng kanyang mga pag-eengkanto.
Narito, ako'y laban sa iyo,
    sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
    at aking itataas ang damit mo sa iyong mukha;
at ipapakita ko sa mga bansa ang iyong kahubaran
    at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.
Tatapunan kita ng basura
    at gagawin kitang hamak,
    at gagawin kang katatawanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Nahum 3:4 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Nahum 3:4 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .