Add parallel Print Page Options

16 Pinarami mo ang iyong mangangalakal;
    higit pa sila sa mga bituin sa kalangitan!
Ngunit wala na sila ngayon,
    tulad ng mga balang na nagbubuka ng kanilang mga pakpak upang lumipad palayo.
17 Ang mga pinuno mo ay parang mga balang,
    na nakadapo sa mga pader kung malamig ang panahon,
ngunit nagliliparan pagsikat ng araw,
    at walang nakakaalam kung saan sila pupunta.

18 Ang mga pinuno mo'y patay na, Asiria, gayon din ang iyong mga maharlika. Nagkalat sa parang ang iyong mamamayan at walang magtipon sa kanila.

Read full chapter