Add parallel Print Page Options

16 Iyong pinarami ang iyong mga (A)mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.

17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.

18 Ang iyong mga pastor ay (B)nangatutulog, Oh (C)hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.

Read full chapter